CENTRAL MINDANAO- Umakyat na sa apat ang nasawi at 197 ang sugatan sa pagyanig ng 6.6 magnitude na lindol sa probinsya.
Ang mga nasawi ay sina Angel Andy, 22 anyos at Rene Boy Andy 7.,mga residente ng sitio Kitao Brgy Lanao Kuran Arakan North Cotabato.
Ang mga biktima ay nadaganan ng mga bato sa gumuhong bundok hindi kalayuan sa kanilang bahay.
Binawian din ng buhay si Marichelle Morla, 23 anyos,buntis at residente ng Brgy Banayal Tulunan Cotabato.
Ang biktima ay nahulugan ng malaking sanga ng kahoy na tumama sa kanyang ulo kaya binawian ito ng buhay.
Isa naman ang naiulat na nasawi sa bayan ng Mlang na kinilalang si Isidro Gomez, 63 anyos, isang manggagawa at nakatira Purok 3, Brgy Pag- asa, Mlang, Cotabato.
Habang patuloy namang inaalam ngayon ang pagkakakilanlan ng mga nasawi na mula sa bayan ng Makilala at Carmen Cotabato.
Kinumpirma naman ni Cotabato Desaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Officer,Mercy Forunda na umaabot na sa 197 ang mga naitalang sugatan kasunod ng 6.6 magnitude at Intensity 7 na lindol na sentrong tumama sa Tulunan North Cotabato.
Sa ngayon ay patuloy na nakararanas ng malalakas na aftershock ng lindol ang probinsya ng Cotabato.