-- Advertisements --
icrc5

Kinumpirma ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor) na anim nang persons deprived of liberty (PDLs) ang namatay dahil pa rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa BuCor, maliban sa mga namatay aabot na rin sa 161 ang bilang ng mga inmates na dinapuan ng virus habang walo naman ang mga naka-recover sa naturang sakit.

Samantala, nasa 33 na raw ang dinapuan ng covid na mga miyembro ng BuCor staff, tatlo naman sa mga ito ang naka-recover na.

Dagdag ng Bucor, sa New Bilibid Prison (NBP) ay nakapagtala na ng 82 kaso ng covid at 26 namang personnel sa naturang piitan ang dinapuan din ng virus.

Sa Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City ay 79 PDLs at limang personnel naman ang dinapuan ng sakit.