-- Advertisements --

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na 99.98 percent na sa kabuuang presinto sa buong bansa ang ongoing ang botohan.

Pero maliban aniya rito ang anim na presinto sa Lanao del Norte na nagkaroon ng problema ang mga vote counting machine at mga SD cards.

Dagdag pa rito ang walong presinto sa Lanao del Norte na hindi pa nagbubukas hanggang kaninang alas-12:00 ng tanghali.

Ayon sa PNP chief, karamihan sa naging dahilan ay problema sa mga vote counting machines subalit agad naman itong inaaksyunan ng local Commission on Elections sa lugar.

Dagdag pa rito na nasa 1,501 ang nagsilbing mga Election Boards na humalili sa ilang mga guro na umatras na maging Board of Election Inspectors.

Kabilang na rito ang mahigit 200 sa Region 4A, kulang-kulang 300 sa Region 5, Region 6 na nasa 35, Region 9 ay 13 naman, Region 10 ay nasa 411, habang nasa 18 sa Cordillera Administrative Region, 472 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at 43 sa National Capital Region Police Office.

Wala namang naitalang mga major untoward incidents ang PNP simula kaninang tanghali.