Kinasuhan ng piskal ng Department of Justice (DOJ) ang 6 na umano’y rebelde ng kasong murder at terorismo kaugnay sa nangyaring engkwentro sa mga sundalo sa Batangas noong Hulyo ng nakalipas na taon na humantong sa pagkasawi ng 9 na taong gulang na bata at ikinasugat ng isang sundalo.
Ayon sa DOJ, kabilang sa mga kinasuhan sa Trial Court ng Batangas sina Isagani Isita, Junalice Arante-Isita, Mariano Bico at Gilbert Orr at dalawang iba pa.
Natukoy ang mga ito na miyembro ng Sub-Regional Military Area-4C, Southern Tagalog Regional Party Committee ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na nakasagupa ng miyembro ng Philippine Army noong Hulyo 18, 2022 sa Sitio Amatong, Barangay Ginhawa sa Taysan, Batangas.
Napag-alaman din ng panel ng prosecutors na may probable cause para kasuhan ang nasabing mga rebelde ng terorismo dahil sa paglabag sa section 4a at 4d ng Anti-terrorism Act of 2020.