Unread post by news.butuan » Tue Sep 12, 2023 7:47 pm
BUTUAN CITY – Anim na mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Agusan del Norte ang boluntaryong sumuko sa pinagsanib na pwersa ng Cabadbaran City Police Station at ng 29th Infantry “Matatag” Battalion Headquarters sa Purok 4, Brgy Del Pilar ng nasabing lungsod.
Nakilala ang mga sumuko na sina Vicente Tello Moldez alias Reb-reb, Team Leader sa Edukasyon Propaganda, residente sa Brgy San Roque, San Miguel, Surigao del Sur.
Pangalawa si John Paul Mandag Salahay alias Lawin, membro ng Sandatahang Yunit Pampropaganda 21C, sa humihina ng Guerilla Front 21, Northeastern Mindanao Regional Committee.
Ikatlo si Wawie Mandag Salahay alias Sorating, Team Leader ng Sandatahang Yunit Pampropaganda 21A sa nasabi ring Guerilla Front 21, Northeastern Mindanao Regional Committee.
Andyan pa sina Caryl Alvarez alias Angel; Erwin Sandag Enriques alias JR at Angelo Sales alias Sky/Carlo/Third, parehong miyembro ng Regional Sentro de Grabedad, Northeastern Mindanao Regional Committee.
Bitbit sa kanilang pagsuko ang isang AK47 rifle, dalawang AR15 rifles, tig-iisang M4 Carbine rifle at M14 rifle pati na ang 6 na mga bala.