Muling nahaharap sa banta ng malawakang pagbaha ang anim na rehiyon sa Pilipinas dahil sa malawakang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Ang mga naturang pag-ulan ay dala ng patuloy na pag-iral ng Northeast Monsoon at Shear Line. Maaalalang nitong araw ng Sabado ay tanging ang mga rehiyon na lamang ang nasa ilalim ng flood warning na inilabas ng weather bureau.
Gayunpaman, muling naidagdag ang isang rehiyon sa Mindanao ngayong araw habang nawala naman sa listahan ang Ilocos Region.
Kinabibilangan ito ngayon ng CAR (Cordillera Administrative Region), Region 2 (Cagayan Valley), Region 3 (Central Luzon), Region 4A (CALABARZON), Region 5 (Bicol Region), at Region 11 (Davao Region) .
CAR (Cordillera Administrative Region) – Apayao, Kalinga
Region 2 (Cagayan Valley) – Isabela, Cagayan
Region 3 (Central Luzon) – Aurora
Region 4A (CALABARZON) – Quezon
Region 5 (Bicol Region) – Camarines Sur, Sorsogon, Camarines Norte
Region 11 (Davao Region) – Davao de Oro, Davao del Sur, Davao Oriental, Davao del Norte, Davao Occidental.
Sa mga naturang rehiyon, pinapayuhan ang mga lokal na pamahalaan na bantayan ang sitwasyon sa mga kailugan dahil sa posibleng pag-apaw ng mga ito na maaaring umabot sa mga kabahayang nasa mababang lugar.
Una nang ibinabala ng weather bureau na magpapatuloy pa ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa pag-iral ng ilang mga weather system.