-- Advertisements --

LA UNION – Anim na mga NPA rebels sa ilalim ng Northern Front at 76 na active members ng Bahay Talakayan para sa Rekonstraksyon at Ikakauunlad ng Sambayanan o tinaguriang BATARIS na nakabase sa Barangay Cozo, Casiguran, Aurora ang sumuko noong Sabado sa militar at pulisiya.

Kasabay ng pagsuko ay ang kanilang mga pangako na tatalikuran na ang suporta nila sa NPA at ibalik ang tiwala at suporta sa pamahalaan.

Ang mga sumukong rebelde ay hakbang ng nagsanib puwersa na 91st Infantry (Sinagtala) Battalion (91IB), 7ID, PA, Aurora Police Provincial Office at Casiguran Municipal Police.

Alinsunod sa alintuntunin, mabibigyan ang mga ito ng tulong mula sa gobyerno para sa muling pagsisimula sa mas maayos na buhay.

Bahagi rin ito ng patuloy na adhikain ng pamahalaan na tuldukan na ang matagal nang local communist armed conflict.