Patay ang anim na miyembro ng New People’s Army ng maka-enkuwentro sila ng mga sundalo sa Barangay Malalay sa bayan ng Balayan, Batangas.
Dahil rin sa insidente ay isang sundalo ang nasawi at tatlong iba pa ang nasugatan sa insidente.
Nangyari ang insidente habang nagsasagawa ng combat operations ang 2nd Infantry Division ng Philippine Army at 59th Infantry Batallion ng makasagupa nila ang hindi malamang bilang ng mga kumonistang grupo mula sa SPP Kawing ng Southern Tagalog Regional Party Committee Sub-Regional Military Area-4 sa lugar.
Sinabi ni Army Lt. Col. Hector Estolas, ang public affairs divisioin chief ng 2nd ID , na narekobre nila ang dalawang M16 rifles, isang M653 rifle, shotgun at ilang mga dokumento.
Nagsagawa na sila ng hot pursuit operations habang inabisuhan na nila ang pamilya ng nasawing sundalo.
Dinala na rin sa pagamutan ang mga sugatang sundalo.