KORONADAL CITY – Labis na ikinalagak ng 6th Infantry Division (6ID) Philippine Army ang patuloy na pagsuko ng mga kasapi ng komunistang grupo at magbalik-loob sa pamahalaan.
Ito’y matapos sumuko ang anim na kasapi ng New People’s Army sa lalawigan ng Maguindanao kung saan sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Koronadal, ang nasabing mga surrenderees ay kinabibilangan ng isang team leader, medic, assistant medic, at tatlo pang mga kasamahan.
Kanila ring isinuko ang mga armas na kinabibilangan ng M-16 rifle, Garand rifle, M79 rifle, at .45-caliber na pistola.
Ayon umano sa mga rebelde, pagod, gutom dahil sa COVID-19 pandemic at takot sa mga opensiba ng pamahalaan ang nag-udyok sa kanilang bumaba at sumuko.
Malugod silang tinanggap ni 6th ID commander MGen. Juvymax Uy at tiniyak ang mga pangkabuhayan para sa kanilang pagbabagong-buhay.