-- Advertisements --

44thIB

Boluntaryong sumuko sa mga tropa ng 44th Infantry Battalion ang anim na miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa Barangay Balagon, Siay, Zamboanga Sibugay nuong June 10,2019.

Ayon kay 44th IB Commanding Office Lt.Col. Don Templonuevo, dahil sa kahirapan,kasinungalingan at hindi natupad na pangako ang naging dahilan para sumuko sa otoridad ang mga rebelde.

Sinabi ni Templonuevo, batay sa pahayag ng isang surrenderor, hindi tinupad ng NPA ang pangakong tahimik na pamumuhay at protekatahan sila sa mapang-abuso na mga sundalo, pero kabaliktaran ang kanilang mga sinasabi dahil ang NPA ang mapang-abuso, nangingikil sa mga mahihirap na mga kababayan.

Pinuri naman ni 1st Infantry Division Commander MGen. Roberto Ancan, pinuri ang 44th IB sa kanilang effort para mapasuko ang komunistang rebelde.

” Let us embrace our long lost brothers who have been victims of the lies and deceit of Communist Terrorist Group as they return and choese to lead a life away from violence,” pahayag ni BGen. Ancan.

Ang mga sumukong rebeldeng NPA ay mula sa grupo ng Western Mindanao Party Committee (WMPC).

Sa panayam ng Bombo Radyo kay 1st Infantry Division Spokesperson Capt. Clint Antipala, kaniyang sinabi na base sa ibinunyag ng mga surrenderors na disgruntled na ngayon ang NPA, mahina na rin ang pwersa ng komunistang grupo.

Hindi na rin nakakapag recruit ang komunistang grupo dahil hindi na naloloko ngayon ang mga sibilyan, batid na rin ng komunidad na marami ng mga rebelde ang nagbalik-loob sa gobyerno at nabiyayaan ng tulong sa pamamagitan ng E-CLIP program ng gobyerno.

Sa datos ng 1st ID nasa 200 na lamang ang pwersa ng NPA na nag-ooperate sa ilalim ng Western Mindanao Party Committee.

Simula sa buwan ng Enero ng kasalukuyang taon pumalo na sa 44 na mga NPA members sa western Mindanao ang sumuko sa mga otoridad.