CENTRAL MINDANAO- Sumuko sa tropa ng militar ang anim na mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga rebelde na sina Sonny Florencio alyas “Ka Nestor /Pitaw” na nagsisilbing pinuno ng 1st Squad, Dragon Fruit Platoon, Sub Regional Command Daguman ng Far South Mindanao Regional Committee ng NPA Command; Darwin Lion Buti alyas Kong, 24, ng Lebak, Sultan Kudarat; assistant medic at liaison officer Cherry Mobile Platoon; Aquilyn Dulunan Buti, 23, isa ring medic; Kenken Angkeg alyas “Ka Speed”, 26; Ariel Angkeg, 26 at Eric Angkeg, 48; pawang mga residente ng Upi, Maguindanao.
Isinuko ng mga NPA ang isang cal 16 rifle, isang cal 30 garand rifle, dalawang M79 grenade launcher, isang cal. 45 pistol, dalawang magazine para sa M16 rifle na may 14 rounds ng bala, isang magazine para sa cal. 45 pistol na may anim na rounds ng bala at dalawang rounds ng 40mm na baril.
Sumuko ang mga rebelde sa pwersa ng 6th Infantry Battalion Philippine Army sa Brgy Mirab Upi Maguindanao.
I-prinisinta naman ang anim na mga NPA kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy.
Hinikayat ni MGen Uy ang ibang NPA na sumuko na at magbagong buhay.