-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nasa ligtas nang kalagayan ang anim na mga empleyado ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) matapos madisgrasya ang sinakyan nilang bus.
Pareho lamang na mga minor injuries ang natamo ng anim na mga pasahero kung saan karamihan sa mga ito ay nurse sa nasabing ospital.
Nangyari ang insidente sa Diversion Road corner Bypass, Maa, lungsod ng Davao.
Inihayag ni PSSgt. Ricky Lamela, traffic investigator ng Talomo Police na base sa kanilang imbestigasyon, bigla na lamang nawalan ng kontrol ang driver sa bus na nakilalang si Jayford Dalagan dahil sa sobrang dulas ng daan dulot ng malakas na ulan.