-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Muling inoobserbahan ngayon ang tinatawag na 6 o’clock habit sa lunsod ng Baguio.

Ipinaliwanag ni Police Major Eddie Bagto, hepe ng BCPO Station 7 na ang 6 o’clock habit ay isang minutong pagdarasal ng mga residente ng City of Pines sa tuwing alas sais ng gabi.

Aminado si Bagto na may mga naranasang problema sa unang araw nang pagbabalik ng 6 o’clock habit dahil hindi pa alam ng karamihan ang tungkol sa aktibidad lalo na ang mga motorista.

Gayunpaman, tiniyak ni Bagto na ipagpapatuloy ng Baguio City Police Office ang pagsasagawa ng information campaign para maipagbigay-alam sa mga resdiente at motorista ang tungkol sa 6 o’clock habit.

Layunin ng 6 o’clock habit na ikintal ang disiplina, pagkakaisa at mabuting gawa sa Baguio City.