-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binuwag ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) ang isang drugden o pugad ng mga sangkot sa pinagbabawal na droga sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga suspek na sina Ronnie Mama, Tato Lalaog, Rustom Mama, Joharie Cusain, Norman Abdullah, at Alimudin Sucor,mga residente ng Purok Laguialam, Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon kay PDEA-BAR Regional Director Juvenal Azurin na tumanggap sila ng impormasyon sa drugden ng mga suspek.

Ni-raid agad ito ng pinagsanib na pwersa ng PDEA-BAR at DOS-PNP ang pugad ng mga sangkot sa illegal drugs.

Nakuha sa mga suspek ang sampung gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P81,000.00,isang kalibre.45 na pistola at mga personal na kagamitan.

Kinumpirma rin ni Azurin na si Mama ay isang Incumbent Barangay Kagawad.

Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng Datu Odin Sinsuat PNP at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at illegal posssession of firearms.