-- Advertisements --

Inanunsyo ni Press Secrretary Trixie Cruz-Angeles ang agarang pagsibak sa pwesto sa anim na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa Subic, Zambales.

May kaugnay ito sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa narekober na mga smuggled na asukal sa pantalan na kanilang nasasakupan.

Kinilala ang mga sinibak na sina Maritess Theodossis Martin, District Collector; Maita Sering Acevedo, Deputy Collector for Assessment; Giovanni Ferdinand Aguillon Leynes, Deputy Collector for Operations; Belinda Fernando Lim, Chief of Assessment Division; Vincent Mark Solamin Malasmas, Enforcement Security Service (ESS) Commander; at Justice Roman Silvoza Geli, CIIS Supervisor.

Pahayag pa ng kalihim, kung mapapatunayan ang partisipasyon ng mga opisyales na ito sa smuggling ng asukal ay mapapatawan pa ng hiwalay na kasong kriminal ang mga ito.

Samantala, habang iniimbestigahan ay mananatili muna ang mga ito sa Office of the Commissioner ng BOC.