-- Advertisements --
image 198

Tinitingnan ng mga awtoridad ang anim pang taong sangkot sa pagkamatay ng estudyante ng Adamson University na si John Matthew Salilig para sumuko sa kinauukulan.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, may mga tao pang sangkot na nais dumulog sa Department of Justice ukol sa naganap na hazing na ikinasawi ng biktima.

Naisampa na ang mga reklamo ng paglabag sa Anti-Hazing Act laban sa pitong miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity na sina Earl Anthony Romero, Tung Cheng Teng, Sandro Victorino, at Michael Lambert Ritalde, Jerome Balot, Mark Pedrosa at Daniel Perry.

Ang mga suspect ay dumalo na sa preliminary investigation sa opisila ng Department of Justice.

Bukod sa pitong nabanggit, limang persons of interest ang nasa ilalim na rin ng protective custody ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa ngayon, masusing imbestigasyon ang patuloy na isinasagawa ng naturang departamento upang panagutin ang mga may sala sa pagkamatay ni John Matthew Salilig.