-- Advertisements --

Nag-deploy na ng tracke team ang PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) para arestuhin ang pagdukot sa isang estudyante ng Colegio de San Juan de Letran na nailigtas ng mga otoridad.

Ayon kay PNP-AKG Director C/Supt. Glen Dumlao, may manhunt operations nang inilunsad laban sa anim pang mga suspeks na tukoy na rin ang pagkakakilanlan.

Una nang naaresto ang apat na suspek sa isinagawang operasyon.

Ang dumukot sa estudyanteng biktima ay nadiskubreng kapwa kaklase lang nito.

Sinabi ni Dumlao na ang mga naarestong suspek ay may edad na 19 hanggang 20 pataas na siyang pinakabatang kidnappers na nahuli ng PNP.

Dalawang araw kinulong ang biktima at hindi pinapakain ng mga suspek.

Kuwento umano ng biktima na tanging pawis nito ang kaniyang iniinom para mapawi ang kaniyang uhaw.

Sa video na kuha ng PNP-AKG nang kanilang i-rescue ang kidnap victim, kita rito na binalot ng duct tape ang mukha nito, nakatali ang kamay at ikinulong sa isang maliit na kwarto sa loob ng dalawang araw.

Mismo ang isa sa mga kidnapper ang nahuli ng AKG batay sa mga naging pahayag nito.

Naglabas na rin ng larawan ang AKG laban sa anim pang suspek na at-large ngayon.