-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Umakyat na sa 128 ang nagpositibo sa Coronavirus Disease sa probinsya ng Cotabato.

Ito ay batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng Department of Health (DOH-12) ,Cotabato Inter-Agency Task Force on Covid 19at IPHO.

Ang anim na mga nagpositibo sa nakakahawang sakit ay sina patient 123,35 anyos,lalaki at taga Arakan Cotabato,patient 127, 43 anyos at patient 128, 25 anyos,lalaki, kapwa mga residente sa bayan ng Mlang Cotabato.

Ang tatlo ay may travel history sa Cebu at Metro Manila, nang dumating sa Davao International Airport ay agad isinailalim at swab test kung saan nagpositibo sa nakakahawang sakit.

Kasama din sina patient 124, 32 anyos lalaki mula sa bayan ng Matalam, patient 125, 49 anyos babae, residente ng Makilala at patient 126, 57 anyos babae at nakatira sa Kidapawan City.

Ang tatlo ay mga kawani ng isang ahensya ng gobyerno na nakabase sa Kidapawan City at ilang beses nagpunta sa Davao City.

May sintomas sa Covid 19 ang tatlo kaya isinailalim sa RT-PCR test at nagpositibo.

Nagsagawa na rin ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng tatlong kawani ng gobyerno at nasa isolation facility ng lungsod.

Pansamantala namang isinara ang tanggapan ng tatlong government employees para sa paglilinis o disinfection process.

Ang anim na pasyente ay nasa maayos na kondisyon at asymptomatic.
Sa ngayon ay 55 active cases sa North Cotabato,2 ang binawian ng buhay at 70 recoveries.