KORONADAL CITY – Dead on the spot ang anim katao habang 13 naman ang sugatan sa nangyaring karambola ng mga sasakyan kaninang madaling araw sa national highway sa lungsod ng Tacurong sa Sultan Kudarat.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Tacurong City PNP chief police Lt. Col. Rey Egus, sangkot umano sa insidente ang dalawang traysikel na may mga sakay, isang Toyota Hilux na minamaneho ni Brent Marohombasar, 20, residente ng Tacurong City at isang Mitsubishi Montero na minamaneho ng isang Dr. Omar Shariff Acob, 29, na taga-President Quirino, Sultan Kudarat.
Base inisyal na imbestigasyon lumalabas na nanggaling sa Koronadal ang mga sasakyan at tinatahak ang national highway ng Tacurong nang inararo ng Montero ang iba pang sasakyan na nagresulta sa pagkarambola ng mga ito.
Naging dahilan ito nang pagkamatay ng apat na menor de edad kabilang na ang pitong buwang sanggol at dalawang sina Najmea Kusain at Atong Ontong.
Naka-confine naman ngayon ang isang driver ng traysikel na si Nasser Mamosaka, 33, na taga-General Santos City at ang apat na iba pa.
Samantala nagtamo naman ng sugat ang mga driver ng dalawang four wheel vehicles pati na ang iba pang mga sakay ng mga ito.
Sa ngayon inaalam pa ang buong detalye sa nasabing aksidente.
Una nang kinilala ang mga nasawi na sina Najmea Kusain at Atong Ontong; Juhaiber Mamusaka, 12; Juhaina Mamusaka, 9; Aipa Mamusaka, 2; at Juhairi Mamusaka, 7.
Ang mga sugatan naman at naka-confine sa iba’t ibang pagamutan ay sina, Nasser Mamusaka, 33, traysikel driver, residente ng Uhaw General Santos City; Nahib Mamusaka, 5; Juhaira Mamusaka, 3; Ariel Legada, 23, at Marielle Legada, 23, mag-asawa na taga-Brgy. Calean sa Tacurong City
Nagtamo ng bahagya sa kanilang mga katawan sina Dr. Omar Shariff Acob, 29, ng Poblacion, Pres. Qurino, Sultan Kudarat na nasa Mitsubishi Montero; Joher Mamalinta, 21;
Arnel Sansalan, 24; at si Voksany Alis na mula sa Mitsubishi Montero; Brent Nicole Morohombasar, 20, ng Poblacion, Tacurong City na sakay naman ng Toyota Hilux.
Gayundin sina Kriss Mandahan, 23; ng Poblacion, Tacurong City; Abdul Azis, 21; Carl Canto, 21, at Vince Camarao, 18, na mula rin Poblacion ng Tacurong City.