(2nd Update) BEIJING —Nasa anim na katao na ang patay habang 28 ang nawawala makaraang gumuho ang hotel na ginagamit bilang coronavirus quarantine facility sa siyudad ng Quanzhou, China.
▶ Hotel na ginagamit bilang COVID-19 quarantine site, gumuho sa China; 70 na-trap
Una nang iniulat ng Chinese officials na nasa 71 katao ang umano’y na-trap matapos na bumigay ang limang palapag na Xinjia Hotel.
Sa ngayon, sinusuyod pa rin ng mga rescue workers ang hotel.
Nasa kabuuang 43 katao na ang na rescue mula sa wreckage.
Ayon sa China’s Ministry of Emergency Management, nasa 200 local at 800 Fujian Province firefighters ang ipinadala sa lugar, kasama ang 11 search and rescue teams at pitong aso.
Tiniyak naman ng Quanzhou authorities na may mga naka-deploy ng mga ambulansya, excavators at cranes sa site.
Base sa datos ng Quanzhou, nasa 47 cases ng COVID-19 ang sumasailalim sa quarantine. (AFP/ BBC)