-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Nagtala ng inisyal na anim katao ang umano’y nasawi habang marami ang sugatan nang mawalan ng preno ang sinasakyang trak mula bayan ng Claveria at papunta sana sa isang resort ng Lagonglong,Misamis Oriental nitong araw lamang.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Police Master Sgt Roel Pabatao, traffic officer ng Balingasag Police Station na maliligo sana ang hindi pa matukoy na mga pangalan ng mga biktima sa Del Mar Resort nang sumabog ang brake ng sasakyan dahilan na hanggang sa Sitio Bagaay,Barangay Baliwagan,Balingsag ng lalawigan na lang sila dahil sa trahedya.

Sinabi ni Pabatao na dahil sa lakas ng impact ay ilan sa mga sakay ay tumilapon habang mayroong naiipit ng sasakyan na resulta ng umano’y kanilang pagkasawi.

Dagdag nito na marami rin sa mga biktima ang nilalapatan pa ng medikasyon sa provincial hospital ng Balingasag.

Sa ngayon,nagpapatuloy pa ang imbestigasyon habang hinihintay ang mga kaanak ng mga biktima na makapunta sa pagamutan.