-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang apat na umano’y mga holdaper, isang pulis at isang sibilyan sa nangyaring panloloob sa isang kainan sa Barangay Bagontapay, Mlang, North Cotabato na nauwi sa engkwentro matapos ang isinagawang hot pursuit operation ng pulis laban sa labing dalawang mga suspek.

Ito ang Kinumpirma ni PCOL Harold Ramos ng Cotabato Police Provincial Office.

Wala pang identity sa ngayon ang apat na mga suspek dahil walang pagkakakilanlan ang mga ito habang ang isang sibilyan na namatay rin ay binaril ng mga suspek matapos na agawan ng motorsiklo bilang Get away vehicle.

Nasawi naman ang isang Pulis na kinilalang si PSSg Rudy Verona Amihan Jr., habang tatlo naman ang sugatan kabilang ang dalawang pulis at isang sibilyan.

Lumalabas sa initial na imbestigasyon ng PNP, na labing dalawang mga suspek ang sumalakay sa isang kainan at nanloob na agad namang tumakas sakay ng motorsiklo.

Ngunit habang patakas umano ang mga holdaper ay namataan sila ng mga Pulis na nagroronda kaya’t nagkahabulan at nagkapalitan ng putok na nagresulta sa pagkakasawi ng (4) apat na suspek.

Naniniwala naman ang PNP na ang mga Holdaper ay isang “Organized Crime Group, kayat patuloy ang manhunt Operation Laban sa natitira pang suspek na nakatakas.