-- Advertisements --
Anim katao ang patay habang 16 ang sugatan matapos na kainin ng sinkhole sa central China.
Naganap ang insidente sa labas ng pagamutan sa Xining ang kapital ng Qinghai province.
Base sa mga nakakita ng insidente, bigla na lamang silang nakarinig ng pagsabog sa loob ng sinkhole bago ang paglubog ng bus.
Ilan sa mga nasugatan ay naghihintay lamang ng mga bus.
May lawak ang nasabing sinkhole na 32 feet sa diameter.
Hindi lamang ito ang unang beses na nagkaroon ng sinkhole dahil noong 2018 apat ang nasawi sa sinkhole sa Dazhou, south-west China at noong 2013 ay lima ang nasawi sa Shenzhen.