-- Advertisements --

Patay ang anim na sakay ng pampasaherong eroplano matapos mag-crash sa dagat sa bahagi ng Honduras ayon sa mga awtoridad.

Nangyari ang aksidente noong Lunes (Martes sa Pilipinas) nang mag take-off ang eroplano mula sa isla na siyang bumagsak kaagad matapos makaalis sa runway.

Batay sa mga awtoridad may walong pasahero pa ang malamang na trap sa loob ng eroplano.

Pinipilit rin aniya ng mga awtoridad na magsagawa ng operasyon sa kabila ng hirap dulot ng lokasyon ng eroplano sa dagat, na nagiging sanhi ng pagkaantala sa kanilang mga operasyon.

Ayon sa hepe ng pulisya, ang eroplano umano ay bumagsak sa dagat kaagad matapos itong mag-take off na papunta sanang La Ceiba sa mainland ng Honduras.

May kabuuang 17 pasahero ang lulan ng pampasaherong eroplano kasama ang tatlong crew members.

Habang hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang awtoridad hinggil sa mga nasawi.

Ngunit ayon sa flight manifest na ipinakita nakuha ng mga local media, kabilang sa mga nasawi sa aksidente ang isang US national, French national, at dalawang menor de edad.

Patuloy naman ang paghahanap ng mga awtoridad sa mga nawawalang pasahero at ang kanilang pagsisiyasat hinggil sa sanhi ng aksidente.