-- Advertisements --

Patay ang anim na katao sa nangyaring sunog sa isang Spanish retirement home sa Valencia, Madrid.

Umabot ng mahigit dalawang oras bago tuluyang maapula ng rumespondeng bumbero ang nasabing sunog.

Ayon sa imbestigasyon, lima ang agarang nasawi sa loob ng bahay habang ang isa ay nalagutan na ng hininga habang nasa pagamutan.

Agad naman na inilikas ang nasa 70 mga naninirahan sa lugar.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.