-- Advertisements --

Patay ang anim na katao at maraming iba pa ang sugatan sa ginawang airstrikes ng Israel sa pantalan ng Yemen.

Ayon sa Israel Defense Forces (IDF) na tinarget ng kanilang fighter jets ang pinagkukutaan ng mga Houthi terrorist sa Hodeidah Port.

Ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ang Israel ng airstrikes sa Yemen.

Ang nasabing airstrike ay bilang ganti ng Israel sa ginawang drone attack ng Houthi noong nakaraang mga araw na ikinasawi ng 50-anyos na lalaki at ikinasugat ng maraming iba pa.