-- Advertisements --

Tinatayang nasa anim na katao ang patay habang siyam na iba pa ang sugatan sa pagtagas ng liquid nitrogen sa isang food-processing plant malapit na siyudad ng Atlanta sa Amerika.

Ayon sa pulisya, lima umano ang patay sa loob mismo ng planta, habang nasa 10 katao ang isinugod sa ospital.

Isa sa mga ito ang namatay sa pagamutan, habang tatlo ang nasa kritikal na kondisyon.

Hindi naman nauwi sa pagsabog ang naturang leak, at inaalam pa sa ngayon ang sanhi nito.

Sa inisyal na ulat, nangyari ang aksidente dakong alas-10:00 ng umaga (local time) sa specialized poultry processing plant ng Prime Pak Foods sa Hall County sa estado ng Georgia.

Pansamantala ring ikinulong sa mga silid-aralan ang mga estudyante sa kalapit na paaralan. (AFP)