BUTUAN CITY – Nakapagtala na ng anim na patay ang Dinagat Islands province dahil sa mga sakit na hatid ng kawalan ng malinis na tubig-inumin, 11 araw matapos mananalasa ang bagyong Odette.
Sa latest situational report ni Dinagat Islands Provincial DRRM officer Rosario Alon Jra., nananatili pa rin sa 25 ang patay na iniwan ni Odette sa kanilang lalawigan.
Nadagdagan naman ngayon ang kaso ng acute gastroenteritis dahil sa kawalan ng malinis na supply ng tubig-inumin kungsaan umabot na ngayon sa 123 mula sa mga bayan ng Dinagat, San Jose, Tubajon, Basilisa at Cagdianao at tatlo ang patay.
May 23 mga kaso naman nga severe dehydration and na-admit sa Dinagat District Hospital kungsaan 3 na rin ang namatay.
Ang provincial government ay nag-establish na ng kanilang government center sa garahe ng capitol building sa Brgy. Cuarinta sa bayan ng San Jose.