-- Advertisements --

Patay ang anim na katao sa Indonesia sa naganap na kilos protesta matapos ang muling pagkahalal kay President Joko Widodo.

Pinabulaanan naman ng mga kapulisan na gumagamit sila ng live ammunition.

Malaki rin ang paniwala ng mga otoridad na planado ang nasabing protesta.

Hinigpitan na rin nila ang social media para hindi maikalat ang mga maling impormasyon.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing insidente.