-- Advertisements --
Patay ang anim na katao matapos ang sagupaan ng mga protesters at kapulisan sa Nairobi, Kenya.
Nagsagawa ng kilos protesta ang mga mamamayan matapos para kontrahin ang planong pagtaas ng buwis.
Pinilit ng mga protesters na makalapit sa parliament building pero hinarang sila ng mga kapulisan.
Sinunog din ng mga protesters ang City Hall ng Nairobi habang nasa 40 katao ang sugatan na itinakbo sa pagamutan.
Bukod sa capital na Nairobi ay ilang kilos protesta din ang nagaganap sa ibang bahagi ng Kenya.
Depensa ng gobyerno na mahalaga ang pagtaas ng buwis para mabawasan ang mga pag-utang nila.
Base sa proposal na mayroong 16 percent na buwis ang ipapataw sa mga tinapay at 25 percent na tax naman sa mga cooking oil.