-- Advertisements --

Patay ang anim na katao habang nasa Hajj pilgrimage sa Mecca dahil sa sobrang init ng panahon.

Pawang mga Jordanian ctiizen ang mga nasawi kung saan nagtungo sila sa Mount Arafat para sa main event ng pilgrimage.

Nakipag-ugnayan na ang Jordanian foreign ministry sa mga otoridad ng Saudi.

Una ng nagbabala ang mga otoridad sa Saudi na maaring pumalo ng 48 degrees Celsius ang temperatura sa lugar.

Ayon sa Saudi General Authority for Statistics na aabot sa mahigit 1.8 milyong katao ang inaasahang dadalo sa Hajj ngayong taon.