-- Advertisements --

Patay ang anim na katao dahil sa malawakang pagbaha at landslide sa Japan.

Mayroon ding 10 iba pa ang nawawala sa insidenteng naganap sa Ishikawa prefecture.

Maging ang lungsod ng Wajima at Suzu na kasalukuyang nagrerekober matapos na tamaan sila ng lindol noong Enero ay nalubog din sa malawakang pagbaha.

Nagbunsod ang malawakang pagbaha dahil sa ilang araw na pag-ulan sa lugar kung saan umapaw ang maraming mga ilog.

Dalawa sa mga nasawi ay natagpuan malapit sa landslide-hit tunnel sa Wajima habang ang isa ay construction workers na gumagawa ng kalsada.

Maraming mga residenterin ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa pangyayari.