-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Sinasabing anim ang patay sa mga rebeldeng grupo habang dalawa naman ang sugatan sa mga sundalo sa dalawang beses na encounter na nangyari sa boundary ng Kiamba, Sarangani at munisipyo ng T’boli, South Cotabato.

Ayon kay Col. Ariel Pangcog, commanding officer ng 601st Brigade ng Philippine Army, sa pagtaya nito may mga tinamaan dahil sa nakitang mga patak ng dugo sa lugar na pinangyarihan ng encounter.

col pangcog
Col. Oriel Pangcog, commanding officer, 601st Brigade

Nakasagupa umano ng kanyang mga sundalo ang hindi mabilang na mga rebelde ng front committee Musa sa pangunguna ni Kumander Yoyoy.

Unang encounter ang nangyari alas-4:00 ng hapon Disyembre 31, 2021 at nasundan pa ito Enero 1, 2022 alas-9:00 ng umaga sa Barangay Tudok, T’boli, South Cotabato.

Dagdag pa ni Col. Pangcog, nagpapatuloy pa ang clearing operations sa kabundukang bahagi sa nasabing lugar.

Ang front committee Musa ang kumikilos umano sa bahagi ng Sarangani at South Cotabato area.