Dalawang pulis at apat na iba pa ang napatay sa Afghanistan matapos ang nangyaring barilan sa isang public food donation sa lalawigan ng Ghor.
Daan-daang katao ang nagtipon-tipon sa labas ng tanggapan ng gobernador sa kabisera ng probinsya na Firozkoh, kung saan namamahagi ng ayuda ang isang Qatari group.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung bakit naging marahas ang magtitipon, ngunit sinisisi naman ng mga opisyal ang mga armadong kalalakihan na naroon din sa lugar.
“The protesters opened fire on the police,” wika ni Aref Haber, spokesperson ng provincial governor.
“Four civilians, including an employee of a local radio and two policemen, were killed,” dagdag nito.
Maliban dito, 19 na katao rin ang sugatan sa insidente.
Sa ngayon, nagpapatuloy na raw ang imbestigasyon kaugnay sa pangyayari.