-- Advertisements --
Patay ang anim na katao matapos ang paglubog ng isang tourist submarine sa Red Sea resort ng Hurghada, Egypt.
Ayon sa Russian embassy sa Egypt na ang submarine ay may lulan ng 45 na Russian Tourist.
Sugatan ang siyam na katao habang mayroong 29 naman ang nailigtas.
Base sa imbestigasyon ng otoridad na ang Sinbad submarine ay bumangga sa may layong isang kilometro mula sa dalampasigan.
Ang nasabing submarine ay pag-aari ng nasabing hotel resort.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nasabing insidente.