-- Advertisements --
Patay ang anim na katao matapos ang naganap na pagsabog sa isang restaurant sa Czech Republic.
Bukod sa nasawi ay mayroong walong biktima ang nagtamo ng sugat na itinakbo ang mga ito sa pagamutan habang nasa 30 iba pa ang inilikas na nasakatabing kainan.
Sa inisyal na imbestigasyon ay sumabog ang propane-butane cylinder sa Most City ng Czech.
Agad namang inapula ng mga rumespondeng bumbero ang sunog na likha ng nasabing pagsabog.