Nasa walong katao ang patay sa pagbaligtad ng isang pampasaherong bus sa North Luzon Expressway pasado 7 p.m. nitong Biyernes.
Sa inisyal na imbestigasyon patungong south bound angDel Carmen bus na may plate number AGA 8810 ng ito ay bumangga sa kasunod nitong SUV.
Tumilapon sa gilid ng kalsada ang SUV habang bumaligtad ang bus at humarap ito north bound bago tumama pa sa concrete barrier malapit sa Valenzuela Exit, Torres Bugallon, Northbound.
Sinabi ni Police Colonel Carlito Gaces, hepe ng Valenzuela PNP, na maaaring hindi nakita ng bus driver ang kasunod na sasakyan dahil sa na rin sa lakas ng ulan at madulas na kalsada.
Mayroong mahigit na 30 pasahero ang lulan ng bus kung saan dinala ang mga sugatang biktima sa MCU Hospital at Valenzuela General Hospital.
Mabilis na nagresponde ang mga rescue team ng Philippine Red Cross.
Nakipag-ugnayan na rin ang may-ari ng bus sa mga sugatang pasahero at nangakong sasagutin ang mga gastusin nila.