-- Advertisements --

Patay ang nasa anim na katao matapos na sila ay pagbabarilin sa Oman.

Ayon sa Royal Oman Police na naganap ang insidente malapit sa isang mosque sa Wadi al-Kabir region.

Kabilang ang isang pulis ang nasawi habang mahigit 20 mga katao na may iba’t-ibang lahi ang nasugatan.

Napatay din ng mga rumespondeng kapulisan ang mga suspek na nasa likod ng pamamaril.

Kinumpirma ng Ministry of Foreign Affairs ng Pakistan na apat sa mga biktima ang kanilang kababayan habang 30 mga Pakistanin ang sugatan.

Labis na nalungkot naman si Pakistani Prime Minister Shehbaz Sharif sa pangyayari at tinawag niya ito bilang isang terror attack.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nasabing insidente.