-- Advertisements --

Anim na ang patay sa nangyaring mass shooting sa estado ng Colorado, Amerika.

Ito ay matapos na magalit at magselos ang suspek na si Teodoro Macias, 28, nang hindi inimbita sa isang birthday party.

Unang binaril ng suspek ang kasintahan nito na si Sandra Ibarra-Perez, 28, kasama ang limang pinsan nito.

Tatlo sa namatay ay ang mga nanguna sa pagsagawa ng party.

Base sa imbestigasyon ng kapulisan, nagkaroon umano ng conflict ang suspek at pamilya ng kaniyang kasintahan isang linggo bago ang event.

Nang hindi inimbita ang suspek sa party, bigla itong namaril sa reception.

Kabilang sa mga nasawi sa pamamaril ay sina Melvin Perez, 30; Mayra Ibarra de Perez, 33; Jose Gutierrez-Cruz, 21; Joana Cruz, 52; Sandra Ibarra-Perez, 28, at Jose Ibarra, 26.

Samantala, nagpakamatay naman ang suspek matapos ang kaniyang ginawang krimen.