-- Advertisements --

Patay ang anim na katao matapos ang sila ay pagbabarilin sa bansang Croatia.

Naganap ang insidete sa isang private home for the elderly sa bayan ng Daruvar na may layong 75 miles sa capital ng Zagreb.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad bigla na lamang pumasok ang suspek at walang humpay na pinagbabaril ang mga nasa loob.

Hindi bababa sa limang katao ang sugatan na itinakbo ang mga ito sa pagamutan.

Naaresto naman ang suspek ilang minuto matapos ang insidente.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang naging motibo ng suspek sa nasabing pamamaril.