-- Advertisements --
Patay ang anim na katao matapos na sila ay pinagbabaril ng suspek sa isang pagamutan sa Czech Republic.
Matapos ang ginawang pamamaril ng suspek ay nagpakamatay din ito.
Bukod sa mga nasawi ay may tatlong katao rin ang nasugatan.
Ayon sa mga otoridad na karamihan sa mga biktima ay pasyente.
Nagawa pang tumakas ang suspek subalit ito ay nagpakamatay sa loob ng kaniyang sasakyan.
Sa pagsisiyasat ng mga otoridad, may mga kasong kinaharap na rin ang 42-anyos na suspek gaya ng minor assault at property crime.
Sinabi naman ni Prime Minister Andrej Babis na isang napakalaking insidente ang pangyayari.