-- Advertisements --

Binawian ng buhay ang anim na katao matapos ang nangyaring pamomomba sa isang restaurant sa Baidoa, Somalia.

Ayon sa ilang mga opisyal, nagkaroon din ng suicide bomb attack malapit sa pantalan ng kabisera ng bansa na Mogadishu, na nag-iwan ng pitong sugatan.

Agad namang inako ng militanteng grupo na al-Shabab ang responsibilidad sa parehong mga insidente.

Sa pahayag ng grupo, pinuntirya raw nila sa Baidoa ang mga tax collectors na nagsasagawa ng meeting sa naturang restaurant, maging ang mga sundalo na naroon.

Inihayag ng grupo na may dalawang sundalo ang namatay sa pagsalakay, pero iginiit ng mga opisyal na puro mga sibilyan ang mga biktima. (BBC)