Nasa anim katao ang nasawi at 32 iba pa ang nasugatan ng magkasagupa ang mga kapulisan at protesters sa Beirut, Lebanon.
Nagsimula ang pamamaril ng magsagawa ng kilos protesta ang mga Shia Muslim groups, Hezbollah at Amal laban sa judge na nag-iimbestiga sa naganap na pagsabog sa port noong nakaraang taon.
Sinabi ng mga protesters na isang kristiyanong snipers umano ang nagpaputok sa mga kumpulan ng mgatao.
Magugunitang nasa 219 katao ang nasawi sa pagsabog sa pier kung saan nakaimbak ang mga pampasabog na nakumpiska ng mga otoridad.
Inakusahan ng Hezbolla at mga kaalyado nito ang judge na biased subalit sang-ayon ang pamilya ng mga biktima sa ginagawang imbestigasyon ng judge.
Umabot ng ilang oras ang nasabing sagupaan bago ito tuluyang napakalma ang mga nagsasagawa ng kilos protesta.