-- Advertisements --
Patay ang nasa 6 katao matapos ang naganap na suicide bombing sa isang mosque sa northwestern Pakistan.
Kabilang sa nasawi ay ang kilalang religious at scholar habang mayroong 20 ang sugatan.
Matatagpuan ang nasabing mosque sa loob ng Darul Uloom Haqqania seminary sa Akora Kahttak isang bayang ng Khyber Pakhtunkhwa province.
Kinumpirma naman ni provincial police chief Zulfiqar Hameed na suicide bomber ang may kagagawan ng insidente kung saan mayroong tatlong pulis din ang sugatan.
Malaki ang paniniwala nila na kagagawan ito ng mga ISIS affiliated sa Khorasan Province.