-- Advertisements --

Patay ang anim na katao matapos ang naganap na sunog sa isang mall sa China.

Nagsimula ang sunog sa unang palapag ng 14-storey building na matatagpuan sa Zigong ng Sichuan province.

Nasa 30 katao ang ligtas na nailabas ng mga rescuers sa nasabing gusali.

Umabot ng mahigit tatlong oras bago tuluyang maapula ang nasabing sunog.

Nangangalap pa ang mga otoridad ng impormasyon sa sanhi ng nasabing sunog.