-- Advertisements --
Patay ang anim na magkakaanak matapos na hindi makalabas sa nasusunog na bahay nila sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.
Kinabibilangan ito ng tatlong bata, isang matanda at mag-asawa ang mga biktima sa sunog na sumiklab pasado ala-una ng umaga nitong Sabado ng madaling araw.
Sa inisiyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) na maaaring mahimbing ang pagkakatulog ng mga biktima kaya hindi na nila napansin ang pagkakasunog ng kanilang bahay.
Hindi rin nakalabas agad ang mga ito dahil sa nakakandado ang nasabing bahay.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog sa nasabing lugar.