-- Advertisements --

Umabot sa anim katao na ang nasawi sa naganap na sunog sa residential area sa Quiapo, Maynila nitong madaling araw ng Huwebes.

Kinabibilangan ng kambala na 12-anyos at isang limang-taong gulang batang lalaki ang nasawi bukod pa sa senior citizen at mag-asawa ang nasunog na hindi na nakilala.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nagsimula ang apoy sa isang apat na palapag na gusali at nadamay ang katabing bahay nito.

Itinaas sa ikatlong alarma ang sunog na naapula lamang matapos ang mahigit pitong oras.

Naapektuhan sa nasabing sunog ang tinatayang 500 pamilya o katumbas ng 1,200 katao.

Inaalam pa ng mga otoridad ang naging sanhi ng nasabing sunog.