-- Advertisements --

(Update) Umakyat na sa anim ang bilang ng mga nasawi at apat ang sugatan sa nangyaring sunog sa Tondo, Maynila.

Pasado alas-6:00 ng umaga nang magsimula ang naturang sunog sa Herbosa Street, na umabot pa sa first alarm. Dineklara itong fire out bago mag-alas-8:00 ng umaga.

Kabilang sa mga nasawi ay magkapatid na menor de edad na iniwan ng kanilang nanay para mamalengke.

Walong magkakatabi na bahay naman ang naabo sa naganap na sunog.

Patuloy pang inaalam ngayon ng mga imbestigador ang puno’t dulo ng naturang pangyayari.