-- Advertisements --

Patay ang anim na miyembro ng pamilya matapos na hindi na sila makalabas nasusunog na bahay nila sa Tondo, Maynila.

Naganap ang insidente nitong madaling araw ng linggo sa Camba extension St. sa Barangay 25 Zone 2 sa Tondo.

Sa apat na palapag na bahay ay nadiskubre ang mga bangkay ng mga biktima sa ikatlong palapag.

Base sa imbestigasyon na pumutok ang bumbilya na dumikit sa kurtina at ito ay mabilis na kumalat.

Umabot sa first alarm ang sunog at ito ay naapula ng mahigit isang oras.

Nagsasagawa na rin ng dagdag na imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.