-- Advertisements --

Umabot na sa anim katao ang nasawi dahil sa nararanasang wildfire sa Hawaii.

Maraming mga residente ng Lahaina sa Maui ang pinalikas dahil sa nararanasang wildfire.

Nagbunsod ang nasabing wildfire dahil sa init na panahon.

Sinabi ni Mahina Martin ang chief of communications and public affairs ng Maui County na nahihirapan silan maapula ang sunog sa tatlong bahagi ng isla.

Aabot din sa 2,000 mga bisita ang nananatili sa paliparan matapos na kanselahin ang mga flights.

May bahagi din ng isla ang nawalan na ng kumunikasyon habang kinansela ang pasok sa paaralan dahil sa nasabing wildfire.

Mahigpit naman binabantayan ni US President Joe Biden ang mga kaganapan sa Hawaii kung saan ayon sa White House ay nakapagpadala na sila ng mga tulong na kailangan doon.